Kinukumpirma sa ngayon ang naitalang dalawang nasawi sa lalawigan ng Bicol at Eastern Visayas habang 1.4 milyong indibidwal naman ang preemptively evacuated bunsod ng hagupit ng Bagyong Uwan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Batay sa ulat, ang dahilan ng mga umano’y pagkasawi ay pagkalunod ng isa mula sa Viga, Catanduanes at ang isa naman ay nahulugan ng collapsed structure na mula sa Catbalogan City, Samar.
Ani OCD Deputy Administrator Bernardo Rafaelito Alejandro IV, katumbas ng 426,000 na pamilya ang preemptively evacuated, batay sa datos ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Dagdag pa niya, nasa 6,000 evacuation centers ang aktibo sa ngayon at nanatili rito ang 318,000 indibidwal o 92,000 pamilya. | via Ghazi Sarip
