Dalagang nangholdap ng taxi, Kalaboso!

Timbog ang isang 19-anyos na babae matapos mang-holdap ng taxi sa sa Brgy. Buhangin Proper, Davao City, kamaka­ilan.

Magpapahatid sana sa Southern Phi­lippines Medical Center ng lungsod ang babaeng sumakay sa taxi ngunit nang malapit na sa kanilang destinasyon ay naglabas ng patalim ang babae at nagdeklara ito ng holdap.

Ihininto naman ang taxi sabay bumaba ng mabilis ang driver na itinago sa pangalang “Mario” upang agad na humingi ng saklolo.

Ang suspek na itinago sa pangalang “Jessa” ay tuluyan namang naaresto ng mga rumespondeng pulis. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *