Dahil sa higanteng sinkhole sa Seoul, motorcycle driver patay

Isang lalaki ang nasawi matapos lumubog ang kanyang motorsiklo sa isang dambuhalang sinkhole sa gitna ng kalsada noong Lunes ng gabi, ayon sa Seoul Fire Department.
Ang trahedya ay naganap sa kasagsagan ng rush hour, bandang 6:30 PM, nang biglang bumuka ang lupa sa isang intersection. Sa nakagigimbal na dashcam footage, kitang-kitang agad na nalunod ang motorsiklo, habang muntik namang madamay ang isang sasakyan na himalang nakaligtas.
Mahigit 17 oras na hinanap ng mga rescuer ang nawawalang rider, gamit ang kanilang mga kamay at rescue dogs. Martes ng umaga, natagpuan ang bangkay ng biktima—nakasuot pa rin ng kanyang helmet at bota—sa lalim na 90 cm, halos 50 metro mula sa sentro ng sinkhole.
Samantala, bahagyang nasugatan ang driver ng kotse. Aabot sa 20 metro ang lawak at lalim ng sinkhole, dahilan upang ipasara ang ilang paaralan sa paligid.
Iniimbestigahan na ang sanhi ng pagguho, ngunit lumalabas na ito ay nasa lugar kung saan may ginagawang extension ng metro rail. Ayon sa mga awtoridad, posibleng may kinalaman ang konstruksyon sa trahedya.
Bagamat bihira ang sinkhole incidents sa South Korea, mas kaunti pa rin ito kumpara sa mga kaso sa Japan. | via Lorencris Siarez | Photo via AFP / Anthony Wallace

D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *