Dagsa ng mga biyahero, inaasahan sa mga pantalan sa bansa ngayong Undas

Aabot sa 2.2 milyong pasahero ang inaasahang dadaan sa mga pantalan mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5, mas mataas sa 300,000 noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Ito ay kasunod ng inspeksiyon na isinagawa nila PPA General Manager Jay Santiago at acting Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Batangas Port.

Kaugnay nito bilang paghahanda, sinuspinde rin ng PPA ang lahat ng leave ng mga empleyado upang masigurong tuloy-tuloy ang serbisyo.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group para sa 24 oras na seguridad ng mga biyahero.

Paalala ng PPA sa mga pasahero maglaan ng oras, mag-ingat sa biyahe, at sundin ang mga patakaran sa pantalan para sa ligtas na Undas. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *