Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inaasahan ngayong linggo

May inaasahang dagdag-bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.

Batay sa pagtataya ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, nasa ₱0.40 hanggang ₱0.60 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Habang inaasahang bababa ng ₱0.80 hanggang ₱1.00 kada litro ang diesel at ₱0.90 hanggang ₱1.10 kada litro naman sa kerosene.

Ang paggalaw sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng dagdag-produksyon ng OPEC+. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *