Inaasahang muling gagalaw ang presyo ng produktong petrolyo sa huling lingo ng Nobyembre, ito ay ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa 4-day trade monitoring ng Means of Platts Singapore, DOE Oil Industry Management, Inihayag ni Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang presyo ng gasoline ay maaaring bumaba P0.50 kada litro.
Ang diesel ay maaring tumaas P0.50 kada litro at ang kerosene P1.35 kada litro.
Aniya, ang taas-baba sa presyong ito ay bunsod pa rin ng global oil supply and demand, maging ang geoplotical rift sa pagitan ng mga bansa. | via Ghazi Sarip
