Daang-daang Pinoy sa Israel, apektado ng nangyayaring tensyon sa Gitnang Silangan

Daan-daang Pilipino ang naapektuhan sa gulong nangyayari sa pagitan ng Israel at Iran ayon sa datos na inilabas ng Philippine Embassy in Israel ngayong araw, July 1.

Ayon sa ulat ng embahada, isa ang nasa kritikal na kondisyon na ngayon ay kasalukuyan pa ring ginagamot sa intesive care unit (ICU) ng Shamir Medical Center.

Samantala, pitong katao naman ang nauna nang makalabas ng hospital matapos magamot mula sa mga minor injury na natamo dahil sa gulong nangyayari.

Nasa 151 na Pilipino naman ang nasira at nawalan ng bahay dahil sa mga missile mula Iran. 131 mula sa 151 na ito ang nabigyan na ng pansamatalang tirahan ng Department of Migrant Workers at may 20 pang naghihintay ng matutuluyan.

Dagdag pa rito, 26 OFWs na ang napapauwi ng bansa matapos maunang mapauwi ang 100 pilgrims at students sa bansa.

75 katao naman ang inaasahang boluntaryong uuwi ng bansa sa susunod na batch ng repatriation program.

Ayon pa sa Philippine Embassy sa Israel, 569 na katao na ang nabibigyan ng tulong gaya ng pinansyal, pansamantalang tirahan, mga pagkain, damit, atbp. | via Florence Alfonso | Photo via Philippine Embassy in Israel/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *