Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang problema sa supply ng manok kahit magpatupad ng ban sa imported na manok mula Brazil, matapos magka-bird flu sa isang farm doon.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., may ibang bansa naman na pwedeng pagkunan gaya ng US, UK, Poland, at iba pa. “Walang isyu sa supply,” ani Laurel, maliban sa posibleng 1-2 linggong gap habang nililipat ang source ng import.
Mahalaga ang Brazil dahil sila ang pinakamurang supplier! Pero kung tataas man ang presyo, konti lang daw ang itataas.
Ngayong taon, nasa 44.15 milyong kilo na ng manok ang na-import mula Brazil. Sa lokal na produksyon, tumaas din ito sa 550,499 metric tons ngayong first quarter ng 2025 — mas mataas kaysa sa 506,277 MT noong 2024.
Ipinahayag ng Bureau of Animal Industry (BAI) na ligtas pa rin ang chicken meat at itlog, kahit may kaso ng bird flu sa Camarines Sur at Pampanga. Na-contain na umano ang outbreak at negatibo na ang mga sample.
Paalala sa lahat palaging siguruhing may meat inspection certificate ang mga binibili nating manok! | via Allan Ortega | Photo via blogspot.com
DA: Walang isyu sa supply ng manok sa kabila ng planong pagbabawal ng pag-aangkat mula Brazil
