Balik na ang P20 kada kilo na bigas mula sa gobyerno simula Mayo 13, isang araw matapos ang midterm elections! Target ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit 2 milyong katao o 400,000 pamilya sa Metro Manila para makinabang sa murang bigas.
Ayon kay DA Asec. Genevieve Guevarra sa isang forum sa Quezon City, magsisimula muna ang bentahan sa mga lungsod ng Quezon City, Pasay, Mandaluyong, Las Piñas, Caloocan, at Navotas sa ilalim ng Kadiwa Program, kung saan direktang makakabili ang mamimili mula sa mga magsasaka.
Inilunsad ito noong Labor Day sa Cebu pero pansamantalang naantala dahil sa request ng Comelec para maiwasan ang isyung pampulitika.
“Safe ang bigas, dumaan sa quality control,” giit ni Guevarra. Dagdag pa niya, balak din ng DA makipag-partner sa ibang retailers para palawakin pa ang programa. | via Allan Ortega | Photo via PNA/Joan Bondoc
#D8TVNews #D8TV