Hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang mga lokal na magsasaka ng kamatis na makipag-ugnayan para sa direktang pagbebenta ngayong panahon ng anihan.
Ito ay matapos bumagsak ang presyo ng kamatis sa pagitan ng P4 hanggang P5 kada kilo sa ilang lugar.
Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, maaaring tulungan ng DA ang mga magsasaka na makahanap ng merkado na may patas na presyo. Maaari silang lumapit sa mga municipal agriculturist o regional field offices ng DA para sa tulong.
Nanawagan din siya sa mga negosyante na huwag samantalahin ang mga magsasaka. Dagdag niya, kailangan ng mga pasilidad para sa cold storage upang mapanatili ang presyo ng mga produktong agrikultural tulad ng kamatis at sibuyas.
Inaasahan ng DA na magiging operational ang Mega cold storage facility sa Taguig City pagsapit ng 2026, na may kapasidad na 5,000 metric tons. – via Allan Ortega |Photo via Freepik.com
Magsasaka ng kamatis, tutulungan ng DA
