DA, handa na ang tulong para sa mga magsasaka, mangingisdang apektado ng Crising

Nakahanda na ang mahigit ₱400 milyong tulong ng Department of Agriculture para sa mga mangingisda at magsasaka mula Regions 1, 2, 3, 4A, 4B at 6 na nasalanta ng nagdaang bagyong Crising at habagat.

Ayon sa ulat, ang kabuuang danyos ay aabot na sa ₱134.7 milyon sa sektor ng bigas, mais, cassava, high value crops, mga palaisdaan, livestock at poultry.

Dagdag pa rito, nasa 8,035 hektarya na rin ng lupain ang napinsala na nakaapekto sa 6,377 na magsasaka at mangingisda na inaasahan pang magbabago dulot pa rin ng walang hintong pag-ulan at pagbaha.

“These figures are still subject to change as we continue to assess the situation on the ground,” ani Agriculture Undersecretary for Operations and DA officer-in-charge, Roger Navarro.

Sa kasalukuyan, nakaantabay pa rin ang ahensya sa epekto ng bagyo upang mabawasan ang kabuuang danyos.

““We are keeping a close watch to prevent significant price increases on key agricultural commodities,” saad niya. I via Florence Alfonso, D8TV News Intern | Photo via Business World

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *