DA, dinispatya ang milyong halaga ng nabubulok na smuggled gulay

Ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatapon ng aabot sa 500 metric tons ng nasabat na smuggled na gulay sa Port ng Manila at Subic.

Ayon sa DA, bagama’t walang nakitang microbiological at masamang contaminants, ang mga nasabing gulay ay nabubulok na o nagsisimula nang mabulok, dahilan ng pagdidispatya rito.

“The onions and carrots showed signs of early sprouting, visible rotting, and foul odors indicating putrefaction,” said BPI Director Glenn Panganiban in two separate tests. As a result, despite passing safety standards, the produce cannot be categorized as safe for human consumption,” saad ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.

Dagdag pa niya, prayoridad ng ahensya ang kaligtasan at kalusugan ng publiko na siyang sanhi sa desisyon ng DA na itapon na lamang ang mga produkto.

“Our priority is ensuring agricultural food commodities will promote public health and food safety. Imported goods, especially those meant to supplement local production, must meet safety standards and be fit for human consumption,” ani Laurel.

Ayon sa ulat, tinatayang aabot sa ₱66 milyon ang halaga ng dinispatyang mga gulay. | via Florence Alfonso | Photo via DA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *