DA, binabantayan ang produksyon ng gulay at iba pang produktong agrikultura habang tumataas ang heat index

Dahil sa matinding init ng panahon, binabantayan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang presyo at produksyon ng gulay at iba pang ani sa bansa. Ayon sa PAGASA, aabot sa 43-44°C ang heat index sa ilang bahagi ng Cavite, Metro Manila, Batangas, Pangasinan, Bulacan, Isabela, Mindoro, at Zamboanga del Norte!

Ayon kay DA Assistant Secretary Joycel Panlilio, pinaka-apektado ang mga high value crops gaya ng mga gulay na galing sa Cordillera, Ilocos at Cagayan Valley. May mga hakbang na ginagawa ang DA para iwasan ang pinsala—gamit ng plastic mulch, drip irrigation, at pag-iimbak ng ulan sa rainwater catchments.

Hindi rin ligtas ang mga hayop—sinisigurado ng DA na may silungan sila para hindi magkasakit dahil sa init.

May ayuda rin ang DA para sa mga magsasaka sa Negros Occidental na apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon. Kasama rito ang libreng binhi, gamot, at loan na hanggang P25,000—walang interes, babayaran sa loob ng tatlong taon!

Umabot na sa 61 magsasaka ang apektado, at halos P1M na ang halaga ng pinsala sa high value crops at cassava. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *