DA: Bibili at magbebenta ng baboy sa mas murang halaga

Upang labanan ang taas-presyo ng baboy, inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na bibili at magbebenta ito ng lokal na baboy sa mas murang halaga sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI).
Kahit may itinakdang suggested retail price (SRP) na PHP350/kg sa kasim, PHP380/kg sa liempo, at PHP300/kg sa “sabit-ulo,” kakaunti pa rin ang sumusunod dito. Ayon sa DA, 20% lang ng 170 tindahan ang sumusunod sa SRP, at halos walang byahero o trader na nagko-comply.
Dahil dito, sinabi ng DA na magsasagawa sila ng hakbang para tiyakin ang mas murang baboy sa pamilihan. Kasama rito ang pagbebenta ng imported pork sa Kadiwa centers at pagpapalakas ng African swine fever vaccination.
Asahan ang mas murang baboy sa mga susunod na buwan! | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *