May plano ang Department of Agriculture (DA) kasama ang Japan International Cooperation Agency (JICA) para pataasin ang produksyon ng bigas sa Pilipinas at bawasan ang pagkalugi sa ani.
Tinalakay ng DA ang posibleng pautang na $200M hanggang $500M mula sa JICA para sa post-harvest project na makakatulong sa National Food Authority (NFA), mga kooperatiba at magsasaka.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel De Mesa, sakop ng proyekto ang storage, warehouse, rice mills, dryers, at silos para mabawasan ang 15% hanggang 17% na pagkawala ng bigas mula anihan hanggang paggiling. | via Allan Ortega | Photo via PNA
DA at Japan magpapalakas sa produksyon ng bigas
