Curlee Discaya, isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng balikat

Isinugod sa ospital ang nakaditine na contractor na si Curlee Discaya matapos makaranas ng problema sa kalusugan habang nasa kustodiya ng Senado.

Ayon sa kanyang abogado, dinala si Discaya sa isang pribadong ospital kahapon upang sumailalim sa MRI matapos makaranas ng matinding pananakit sa balikat at hirap sa pagtulog.

Dagdag pa nito, tila may frozen shoulder ang kanang balikat ni Discaya kaya kinailangan itong ipasuri sa doktor.

Kinumpirma naman ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na pinayagan si Discaya na pansamantalang makalabas ng detention facility para sa naturang medical procedure bilang outpatient.

Matatandaang mula pa noong Setyembre 2025 ay nakakulong na si Discaya sa Senado matapos itong ma-cite in contempt.

Ayon sa Senate Office of the Sergeant-at-Arms, ibinalik agad si Discaya sa Senado matapos ang check-up. | via Ghazi Sarip, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *