Crisis committee sa gitna ng Middle East tensions, binuo ng palasyo 

Inanunsyo ng Malacañang na bumuo na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang crisis committee upang tugunan ang posibleng epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, layunin ng komite na tiyakin ang sapat na suplay ng langis at pangunahing bilihin, at tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.

“Ito po ay tutok lalong-lalo na kung ano ba ang pangangailangan ng ating mga kababayan, paano hindi mapuputol ang suplay ng ating mga pangangailangan, saa oil, sa fuel, at sa mga pangunahing pangangailan ng ating mga kababayan” ani Castro. 

Sinabi ni Castro na kasalukuyang isinasapinal na ang pagbuo ng komite.

Wala namang karagdagang detalye na ibinigay ang Malacañang hinggil sa komposisyon at implementasyon ng nasabing komite.

Samantala, sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis, sinabi ni Castro na hindi pa ito maituturing na oil crisis sa Pilipinas. Batay umano sa Department of Energy, nananatiling sapat ang suplay ng langis sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *