Crater glow, namataan sa Mt. Mayon

Namataan ang tinatawag na crater glow o “banaag” sa tuktok ng Bulkang Mayon sa Albay nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa ulat ng ahensya, nakita ang banaag bandang alas-6:36 hanggang alas-7 ng gabi, matapos magliwanag sa ibabaw ng bunganga ng bulkan dahil sa sobrang init na volcanic gas mula sa bagong magma.

Ayon sa Phivolcs, tanda ito ng matinding init sa loob ng bulkan, pero hindi pa naman nangangahulugan na may aasahang pagsabog.

Dagdag pa ng ahensya, may namumuong incandescent lava dome sa bunganga ng Mayon, kasama ang mga rockfall at short pyroclastic density currents (PDCs) o uson sa bahagi ng Bonga Gully.

Nanatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-Kilometers Permanent Danger Zone.

Mahigit 800 pamilya o 3,125 katao na nakatira sa loob ng 6km permanent danger zone ang inilikas na, habang patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad sa nag-aalburotong bulkan. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *