Nag-aapoy sa ere ang Cope Thunder 25-1, isang air drill ng Philippine Air Force (PAF) at US Air Force! Sa naturang ehersisyo, naglalaban sa himpapawid ang FA-50PH jets ng Pilipinas laban sa F-16 ng Amerika sa matinding “dogfight” o air-to-air combat!
Ayon kay Col. Ma. Consuelo Castillo ng PAF, ang high-speed na labanan sa ere ay nagpapatalas sa reflexes, timing, at galing ng mga piloto. Dito sinusubok ang tibay nila sa intense na G-force – parang roller coaster pero mas malupit!
Ang naturang ehersisyo ay ginagawa mula April 7 hanggang April 18 sa Basa, Clark, at Col. Ernesto Ravina Air Bases sa Northern Luzon. 729 PAF personnel at iba’t ibang aircraft tulad ng FA-50PH, Super Tucano, at Black Hawk helicopters ang kabilang. 250 US personnel at 12 F-16 jets ang ipinadala ng Amerika.
Bukod sa bakbakan sa ere, may palitan din ng kaalaman sa cybersecurity, maintenance, logistics, at iba pa. Layunin ng Cope Thunder na palakasin ang depensa ng Pilipinas at pagtibayin ang ugnayan sa US. | via Lorencris Siarez | Photo via PAF
#D8TVNews #D8TV