Paiimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayong building ng ahensya sa Maynila.
Matapos madiskubre na ang dalawang contractors nito na St. Gerrard Construction at Way Maker OPC ay pagmamay-ari ng mga Discaya.
Ito ay sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
Pero paglilinaw ni NBI Director Jaime Santiago, bago pa man siya maupo sa pwesto ay nanalo na sa bidding ang mga ito.
Aniya, nagkakalahaga ng P2.4-B ang nasabing proyekto.
Tiniyak naman ni Santiago na isasama nila ito sa imbestigasyon kaugnay sa katiwalian sa mga proyekto. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via NBI
#D8TVNews #D8TV
