Confirmation hearings ng CA, may schedule na

Inilabas ng Commission on Appointments (CA) ang iskedyul ng confirmation hearings para sa ilang itinalagang opisyal ng Pangulo, kabilang sina PCO Secretary Jay Ruiz, DOTr Secretary Vince Dizon, at DICT Secretary Henry Rhoel Aguda.

Kasama rin sa listahan ng mga sasailalim sa pagdinig sina COMELEC Commissioners Noli Rafol at Maria Norina Casingal, CSC Commissioner Luis Meinrado Pangulayan, at COA Commissioner Douglas Michael Malillin.

Gayunman, ayon sa CA Secretariat, naka-“until further notice” pa ang status ng ilang hearing, partikular na para sa tatlong cabinet secretaries, dahil kabilang sila sa mga pinagsumite ni Pangulong Bongbong Marcos ng courtesy resignation.

Sa confirmation hearing, personal na sinusuri ng mga senador at kongresista ang kredensyal, karanasan, at pananaw ng mga appointee sa mga mahahalagang isyu. | via Benjie Dorango | Photo via Wikipedia

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *