Mga gadget ni Cabral sa DPWH, pinatu-turnover ng Ombudsman

Inatasan ng Office of the Ombudsman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad i-turnover sa kanila ang lahat ng mga computer at electronic device na inisyu kay dating Undersecretary Ma. Catalina Cabral.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng tanggapan na isasailalim ang mga ito sa forensic examination upang matukoy kung may datos mang binago, binura o ginalaw matapos maisapubliko ang isyu ng flood control projects sa bansa.

Umaasa ang Ombudsman sa agarang pagtalima sa subpoena ng DPWH alinsunod sa pananagutan at mapanatili ang integridad sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa mga umano’y maanomalyang proyekto ng pamahalaan.

Nasawi si Cabral matapos umanong mahulog sa isang bangin sa Tuba, Benguet noong December 18.

Matatandaang nagtungo naman ang dating opisyal sa tanggapan noong December 3 at sinabing bukas itong makipagtulungan sa imbestigasyon ng flood control project scam. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *