Iminungkahi ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na magtakda ng bagong petsa sa 2026 para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections o BPE, sakaling hindi matuloy ang nakatakdang halalan sa March 30.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, hindi puwedeng ilipat sa 2027 ang BPE dahil maaapektuhan umano ang paghahanda para sa 2028 presidential elections.
Paliwanag ni Garcia, abala na ang Comelec sa paghahanda para sa national at local elections, kaya mas mainam na idaos ang Bangsamoro polls sa 2026.
Nakasaad na rin umano sa panukalang batas na isinumite sa Kamara na kung hindi matutuloy sa March, maghihintay ang Comelec ng bagong batas na magtatakda ng panibagong petsa ng halalan sa Bangsamoro.
Kabilang sa mga petsang na kinokonsidera ay huling bahagi ng September o unang linggo ng October 2026.
Matatandaang inatasan ng Korte Suprema ang Bangsamoro Transition Authority na magpasa ng bagong districting law, na naaprubahan na nitong January 13.
Giit ng Comelec, may itinakdang 120-day ban sa voter registration changes bago ang mismong araw ng halalan, alinsunod sa batas. | via Ghazi Sarip
