COMELEC, MMDA nagsagawa ng “Oplan Baklas” sa pagsisimula ng local campaign

Matinding “Oplan Baklas” ang isinagawa ng COMELEC at MMDA sa Nicolas Zamora Street para alisin ang ilegal na campaign materials ngayong simula ng lokal na kampanya para sa 2025 elections.
Pinangunahan nina COMELEC Chairman George Erwin Garcia at MMDA Chairman Don Artes ang operasyon para linisin ang mga pampublikong lugar mula sa mga ilegal na posters at tarpaulin na nakakabara sa kalsada at nakasabit sa bawal na lugar gaya ng puno at poste.


Ayon kay Garcia, bibigyan muna ng abiso ang mga kandidato para tanggalin ang kanilang campaign materials sa bawal na lugar. Kung hindi ito aalisin sa loob ng tatlong araw, magpapadala ang COMELEC ng show-cause order.
Mahigit 500 MMDA personnel ang ipinakalat sa buong Metro Manila para sa operasyon. Bukod sa pagtanggal ng campaign materials, nagsagawa rin ng paglilinis sa lugar ang Metro Parkways Clearing Group.


COMELEC hinikayat ang publiko na isumbong ang mga campaign violations sa kanilang opisina, website, o social media. Ang kampanya ay tatagal hanggang Mayo 10, habang ang eleksyon ay gaganapin sa Mayo 12, 2025. | via Allan Ortega | Photo via MMDA

D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *