Mayo 16, 2025 — Ikinatuwa ng Commission on Elections (COMELEC) ang mataas na voter turnout na umabot sa 82.20%, halos kapantay ng turnout noong 2022 national elections.
Tinatayang 57 milyon ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong bumoto sa katatapos na halalan. Ayon sa COMELEC, kabilang dito ang tinatayang 3 milyong senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at buntis, na nakaboto sa loob lamang ng dalawang oras na itinakdang early voting window mula alas-singko hanggang alas-siyete ng umaga.
Dahil sa naging positibong resulta, muling isusulong ng COMELEC sa Kongreso ang panukala para sa institutionalization ng early voting hours para sa mga nabanggit na sektor. Ayon sa ahensya, malaking tulong ito upang mabawasan ang siksikan sa mga presinto at mapagaan ang daloy ng mga botante sa mismong araw ng halalan.
Samantala, tiniyak din ng COMELEC sa publiko ang integridad ng halalan, at sinabing ginawa nila ang lahat upang masigurong maayos at malinis ang proseso ng pagboto at bilangan.
#D8TVNews #D8TV