Comelec, magsasagawa ng special elections sa ikalawang distrito ng Antipolo

Magsasagawa ng special elections ang Commission on Elections (Comelec) sa ikalawang distrito ng Antipolo.

Ito ay para mapunan ang naiwang posisyon ni Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, target nilang isagawa ang pagdaos ng special elections sa darating na Marso.

Gagawin umanong manu-mano ang halalan sa hindi bababa sa 300,000 rehistradong botante sa distrito.

Naglaan din ng P98 milyong budget ang Comelec para dito.

Si Acop ay pumanaw noong Disyembre ng nakaraang taon dahil sa heart attack. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *