Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapadala ng mga opisyal na balota para sa nalalapit na halalan. Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ang mga balota ay ipapadala sa mga treasurer ng bawat lungsod at munisipalidad simula April 22.
Nauna nang nakumpleto ng COMELEC ang pag-imprenta ng 68,542,564 balota noong March 15. Ang mga ito ay isinailalim sa masusing beripikasyon para matiyak ang kalidad at pagiging lehitimo bago ang distribusyon.
Kasabay nito, sinimulan din ng Comelec ang pagpapadala ng mga Automated Counting Machines (ACMs) at iba pang kagamitan sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula April 4. Tiniyak ng COMELEC na ginagawa nila ang lahat ng hakbang upang masiguro ang integridad at kahandaan ng halalan sa buong bansa. | via Dann Miranda | Photo via COMELEC
#D8TVNews #D8TV