Natalo ang ruling coalition ni Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa eleksyon nitong Linggo para sa House of Councilors, ang upper chamber ng kanilang parlamento.
Ang koalisyon ng Liberal Democratic Party (LDP) at Komeito ay natalo na rin noon sa House of Representatives, ang mas makapangyarihang mababang kapulungan, noong nakaraang taon.
Ito ang unang pagkakataon mula nang itatag ang LDP noong 1955 na nawalan sila ng majority sa parehong kapulungan habang nasa poder pa.
Dahil dito, tumitindi ang panawagang magbitiw si Ishiba mula sa loob mismo ng LDP. Inaasahang magiging magulo at hindi matatag ang sitwasyong pulitikal sa Japan. | via Allan Ortega | Photo via Jiji Press
#D8TVNews #D8TV