CMEPA, tuluyang isinabatas; pamumuhunan, mas pinadali

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bell ringing ceremony para sa pagsasabatas ng Republic Act (R.A.) No. 12214 o ang Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA) ngayong araw, July 1.

Kasama si Philippine Stock Exchange (PSE) Chairman Jose Pardo, pormal nang ipinatupad ang batas matapos gawin ang seremonya sa PSE Tower, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Layunin ng CMEPA na mas padaliin ang pamumuhunan sa bansa sa pamamagitan ng pagbawas sa stock transaction tax (STT) mula 0.6% tungong 0.1% .

Dagdag pa rito, may bawas din ang Documentary Stamp Tax (DST) mula 1% na ngayon ay 0.75% dahil sa nasabing batas. | via Florence Alfonso | Photo Screengrab from RTVM

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *