Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang kauna-unahang classroom summit na layuning matugunan ang classroom delays sa gitna ng shortage sng silid-aralan sa mga public school.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang inisyatibang ito ay bunsod ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya na itaguyod ang transparency at accountability sa imprastraktura ng edukasyon.
Sa pamamagitan nito ay matutupad ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sektor ng edukasyon.
Samatala, inilunsad din ang Strategic Resource Inventory for Deployment Efficiency (STRIDE) Dashboard upang bigyang-daan ang mga field office ng DepEd na magamit ang mapped data para sa pangangailangan at makabuo ng mas mapagkakatiwalaang batayan sa kanilang mga desisyon. | via Ghazi Sarip
