Binibigyan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mga celebrities at social media influencers na nagpo-promote ng mga illegal online gambling hanggang ngayong araw para burahin ang mga content nilang naghihikayat sa publiko na sumugal dito.
Babala ito ni Asec. Renato Paraiso, Deputy Executive Director ng CICC, sa mga personalidad na patuloy na nagpo-promote ng ilegal na online gambling. Aniya, kapag hindi sila sumunod, magsasagawa ng mga hakbang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno laban sa kanila.
“Tanggalin niyo na. I-take down niyo, Magkusa kayo mag-take down ng mga yung mga content na pinost niyo with regards to promoting illegal online gamblings,” panghihikayat ni Paraiso
“Starting next week, CICC will take action.” Banta pa nito. | via Clarence Concepcion | Photo Screengrab from CICC Facebook Live
#D8TVNews #D8TV