Nagbabala sa publiko ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) kaugnay sa kumakalat na pekeng video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpo-promote ng online trading platform.
Natukoy ng ICC na ang video ay gumagamit ng deepfake technology at AI-based manipulation para magmukhang totoo ang pag-e-endorso ng Pangulo.
Ayon sa ICC, ang Facebook page ng nag-post ay mula sa ibang bansa at kapag na-click ang link dito ay daldalhin ang user sa isang unrelated e-commerce site na maaaring ginagamit sa pang-i-scam.
Sa pag-iimbestiga, napag-alaman din na ang Facebook page ay pinalitan ng pangalan na ‘Inquirer PH Insider,’ na noon ay nag-o-operate bilang ‘Deborah Webb.’
Pormal namang nakipag-ugnayan ang ICC sa mga social media platform sa pagpapatanggal ng naturang video maging ang iba pang related post nito para maiwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
Hinimok naman ng ICC ang publiko na suriing mabuti ang mga online advertisements partikular kung ito ay may kaugnayan sa opisyal ng gobyerno o ‘too good to be true’ na mga pangako.
#D8TVNews #D8TV