Chris Brown, inaresto sa UK dahil sa umano’y pananakit noong 2023

Chris Brown, inaresto sa UK dahil sa umano'y pananakit noong 2023

Inaresto ng British police ang Amerikanong R&B singer na si Chris Brown sa isang hotel sa Manchester nitong Huwebes. Ayon sa pulisya, may kinalaman ang pag-aresto sa isang insidente noong Pebrero 19, 2023, kung saan diumano’y inatake ni Brown ang isang music producer gamit ang bote sa Tape nightclub sa Hanover Square, London.

Si Brown, 36, ay lumipad sa Manchester noong Miyerkules bilang bahagi sana ng paghahanda sa kanyang paparating na world tour — pero nauwi ito sa kulungan!

Hindi agad nakapagbigay ng pahayag ang kampo ni Brown. Sa isang opisyal na pahayag ng Metropolitan Police, kinumpirma nilang isang 36-anyos na lalaki ang kanilang inaresto dahil sa “grievous bodily harm” — bagama’t hindi nila pinangalanan si Brown.

Nanatili sa kustodiya ang singer habang iniimbestigahan pa ang insidente. Maugong na tanong ngayon: Matutuloy pa ba ang UK leg ng kanyang concert tour? | via Allan Ortega | Photo via FB Page of Chris Brown

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *