Chinese national na namaril ng kapwa-Chinese sa Makati City, naaresto na ng PNP

Matapos ang halos 9 na buwan, naaresto na ng Philippine National Police (PNP) ang isang Chinese national na sangkot sa pamamaril sa kapwa-Chinese sa isang restaurant sa Makati City noong Oktubre 2024.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III na nahuli na ng mga awtoridad si Wang Dan Yu na kilala rin bilang Bao Long noong Hulyo 19 sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Torre, nakalabas ng bansa si Wang ngunit nang ma-monitor ng PNP na pabalik ito ng bansa ay agad naman itong dinakip ng mga pulis.

Bukod sa pamamaril, si Wang ay itinuturo ding utak sa umano’y kidnapping sa 14-year old Chinese student sa BGC, Taguig City nitong Pebrero 2025 at sangkot din umano sa kidnap-for ransom sa Chinese acupuncturist sa Maynila noong Agosto 2022.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP ang suspek. | via D8TV News

#D8TV #D8TVNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *