Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang Chinese national na nagngangalang “Guo Jingjin” matapos umanong magpanggap na Pilipino sa Panglao, Bohol.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, naaresto ang 48-anyos na dayuhan noong Pebrero 17 sa Barangay Tawala.
Lumabas sa imbestigasyon ng Fugitive Search Unit ng ahensiya na gumagamit umano si Guo ng mga Filipino “dummies” upang makapagnegosyo sa bansa.
Nadiskubre rin ng mga otoridad na may hawak itong driver’s license mula sa Land Transportation Office, na nagsasabing siya ay Pilipino, taliwas sa rekord ng immigration na nagppatunay na Chinese national ito.
Si Guo ay huling pumasok sa bansa noong 2018 gamit ang Special Resident Retiree’s Visa, at nahaharap sa deportation proceedings… habang pansamantalang nakadetine sa BI holding facility.
Iginiit ng BI na ang maling pag-angkin ng Filipino citizenship upang makakuha ng pribilehiyo o makapagnegosyo ay paglabag sa batas at may kaukulang parusa.
“Acquiring government identification by falsely claiming Filipino citizenship is not a minor technical violation – it is a direct affront to our sovereignty and our laws,” —Viado | via Joana Luna, D8TV News
