Magbibigay ng ₱141 million na halaga ng humanitarian aid ang China sa Pilipinas dahil sa pananalasa ng Typhoon Tino at Super Typhoon Uwan, ayon sa Chinese Embassy nitong Martes, November 11.
Ayon sa embahada, naglaan ng 1 million US dollars o humigit-kumulang ₱58 million na cash ang China at 1 million Chinese yuan renminbi o humigit-kumulang ₱82.8 million na halaga ng in kind para sa mga nasalanta ng bagyo.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang embahada sa mga pamilya ng mga nabiktima ng bagyo at umaasa sila na muling makabangon agad ang mga Pilipino. | via Kai Diamante
