

Binuksan na sa Taguig ang kauna-unahang Center for Children with Disabilities na fully-operated ng LGU. Nag-aalok ito ng medical services, therapeutic interventions, at educational support para sa mga batang may espesyal na pangangailangan.
Malaking hakbang ito upang matugunan ang kanilang pangangailangan at mabigyan sila ng mas inklusibong suporta. Sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano at Senator Pia Cayetano nagtulong-tulong ang Taguig City Council, City Health Office, PDAO at ganon din ang mga taxpayer para maitatag ang YAKAP CENTER for Children with Disabilities na kauna-unahang LGU-run inclusive learning and resource center sa Pilipinas. โ via Allan Ortega