Centeno, panalo ng ikalawang silver medal ng Team Pilipinas sa World Games

Muntik nang makuha ni Chezka Centeno ng Zamboanga City ang ginto, pero nadale sa huling tira at nauwi sa pilak para sa Team Pilipinas sa World Games kagabi.

Sa women’s 10-ball finals, humabol si Centeno mula 0-3 hanggang halos panalo na, pero isang mahalagang scratch sa safety play ng unang bola ang nagbukas ng pagkakataon para sa Chinese cue artist na si Yu Han na tapusin ang laban sa iskor na 6-7.

“Hindi ko inaasahan ‘yung pagkakamaling ‘yon, pero masaya pa rin ako. Para sa bayan itong medalya,” ani Centeno.

Bago makarating sa finals, pinatumba niya ang Spanish na si Mayte Ropero sa quarters at ang Chinese na si Shasha Lui sa semis. Sa eliminations, tinalo niya si Savannah Easton ng Amerika bago muling nakaharap si Yu Han.

Sa ngayon, may tatlong medalya na ang Pilipinas sa torneo, pilak din para kay Kaila Napolis sa ju-jitsu (women’s 52kg) at tanso kay Carlos Baylon Jr. sa wushu sanda (men’s 56kg). | via Allan Ortega | Photo Courtesy of Philippine Sports Commission

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *