Cebu, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol

Niyanig ng malakas na lindol ang lalawigan ng Cebu nitong Martes ng gabi, September 30, ayon sa PHIVOLCS.

Una itong naitala sa magnitude 6.7 at kalauna’y itinaas sa magnitude 6.9.

Ang sentro ng lindol ay nasa 21 kilometro hilagang silangan ng Bogo City, Cebu, at may lalim na 5 kilometro.

Naitala ang Intensity V sa:
• Argao, Cebu
• Sipalay, Negros Occidental
• Lapu-Lapu
• City of Tacloban
Intensity IV sa:
• San Fernando, Cebu
• Bulan, Bulusan
• Casiguran, Sorsogon
• Roxas, Capiz
• Himamaylan, Negros Occidental
• Ubay, Bohol
• Lawaan, Eastern Samar
• Laoang, Northern Samar
• Catbalogan, Samar
• Dipolog, Zamboanga Del Norte
Intensity III sa:
• Legazpi, Albay
• Iriga, Camarines Sur
• Donsol, Sorsogon
• Tibiao, Antique

Instrumental intensities naman ang naitala sa ibang bahagi ng Cebu, Leyte, Masbate, Sorsogon, Biliran, Capiz, Northern Samar, Southern Leyte at Davao del Sur.

Sa ngayon, isinailalim na ang lalawigan sa state of calamity at nananawagan sa mga medical volunteers upang tumulong sa hilagang bahagi ng Cebu kasunod ng malakas na pagtama ng lindol doon. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via DOST-PHIVOLCS

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *