Idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan ng Cebu matapos ang malawakang pinsalang dulot ni Bagyong Tino (Kalmaegi) nitong Martes, Nobyembre 4.
Naglabas si Gov. Pamela Baricuatro ng Executive Order No. 68 para payagan ang pamahalaang panlalawigan at mga LGU na mag-mobilize ng emergency resources para sa rescue, relief, at rehabilitation efforts.
Ayon sa ulat, nagdulot si Tino ng malubhang pinsala sa imprastraktura, mga pasilidad ng gobyerno, pribadong establisyemento, at kabahayan, pati na rin sa mga nasawi, nasugatan, at libo-libong nawalan ng tirahan. Nagdulot din ito ng pagkaantala ng mga pangunahing serbisyo at patuloy na banta sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.
Inirekomenda ng PDRRMO ang deklarasyon matapos matukoy ang malawakang pinsala at tuloy-tuloy na panganib.
Sa ilalim ng kautusan:
โข Maaaring gamitin ng mga opisina ng gobyerno ang Quick Response Funds para sa agarang operasyon
โข Ipinatupad ang price freeze at anti-profiteering laban sa sobrang pagtaas ng presyo
โข Inatasan ang DTI at Local Price Coordinating Council na bantayan ang presyo at supply ng mga pangunahing bilihin
โข Pangungunahan ng PDRRMO ang rescue, relief, medical, at rehabilitasyon
Mananatiling epektibo ang state of calamity hanggang ito ay bawiin ng pamahalaang panlalawigan batay sa rekomendasyon ng PDRRMC. | via Allan Ortega
Cebu nagdeklara ng state of calamity matapos manalasa si Bagyong Tino
