CBCP, bukas sa pakikipagdayalogo sa administrasyong Marcos kung para sa kabutihan ng publiko

Bukas ang pamunuan ng Simbahang Katolika sa pakikipag-usap sa administrasyong Marcos ngunit tanging kung ito ay magsusulong ng kabutihan para sa nakararami, ayon kay Archbishop Gilbert Garcera, bagong presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sa isang press conference, sinabi ni Garcera na bukas ang mga obispo sa anumang paksa, basta’t makakatulong sa sambayanang Pilipino.

Nilinaw ni Garcera na wala pang nakatakdang pagpupulong sa administrasyon mula nang siya ay mahalal noong Disyembre 2025.

Wala pa umano siyang nakakausap na opisyal ng pamahalaan dahil sa abalang iskedyul.

Ang press conference ay ginanap sa pagtatapos ng tatlong araw na plenary assembly ng CBCP sa Pope Pius XII Catholic Center sa UN Avenue, Maynila.

Dinaluhan ito ng mahigit 85 obispo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinamunuan ni Garcera bilang pangulo ng CBCP. | via Jason Saguin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *