Cayetano: Wala pang sapat na bilang para patalsikin si Sotto

Inamin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na wala pang sapat na bilang ang oposisyon upang patalsikin ang kasalukuyang liderato ng Senado.

Ayon kay Cayetano, dapat silang makakalap ng labintatlong boto para mapalitan si Senator Tito Sotto bilang Senate president, sa kabila yan ng mga kumakalat na usapin ng coup sa Senado.

‘It’s rumors until it’s there’ aniya, at normal umano ang diskusyon sa hanay ng mga senador hinggil dito.

Aminado rin si Cayetano na natural na nais ng minority bloc maging majority.

Samantala, tiniyak naman ni Sotto na matatag ang majority bloc sa kabila ng mga usapin.

Ayon kay Sotto, posibleng may ilan na hindi natutuwa dahil mahigpit siya lalo na sa budget insertions, at maging sa mga pagbabago sa committee chairmanships. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *