Castro, nagbigay ng courtesy resignation bilang pagsunod sa utos ng hepe ng PCO

Nagbitiw na si Palace press officer Undersecretary Claire Castro bilang bahagi ng revamp ng Presidential Communications Office (PCO) sa ilalim ng bagong acting secretary na si Dave Gomez.


Sinabi ni Castro na agad siyang nagbigay ng courtesy resignation bilang paggalang sa utos ng bagong pinuno ng PCO.

Ayon sa kanya, mas mainam na ang bagong lider ay may kalayaang pumili ng mga taong gusto niyang makatrabaho.


Batay sa memo ni Gomez noong Hulyo 14, inaatasan ang lahat ng political appointees ng PCO na magsumite ng unqualified courtesy resignations bago o sa Hulyo 18.

Ngunit kahit magsumite sila ng resignation, tuloy pa rin sa trabaho ang mga opisyal hangga’t hindi ito tinatanggap ni Gomez.


Nilinaw ni Castro na wala siyang nalalaman na reklamo laban sa kanya mula sa Malacañang, at walang nagsabing dapat siyang umatras sa kanyang daily press briefings o hinay-hinayan ang kanyang estilo.

Aniya, trabaho lang: “Ang inaasahan lang sa akin ay magsabi ng totoo.” | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *