Magandang balita para sa mga motorista na walang RFID: mananatiling bukas ang mga cash lanes sa mga expressway ngayong Semana Santa, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).
Pansamantalang pinayagan ang paggamit ng cash lanes para maiwasan ang abala sa mga biyahero ngayong Holy Week. Pinayuhan ng TRB ang mga non-RFID users na gamitin lamang ang mga itinalagang cash lanes para hindi makaabala sa daloy ng trapiko sa RFID lanes. Inaasahan ang pagdagsa ng mga sasakyan sa mga expressway simula Miyerkules Santo hanggang Huwebes Santo, kaya’t pinapayuhan ang mga motorista na magplano ng maaga at sundin ang mga alituntunin sa kalsada.
Samantala, pinaalalahanan din ang mga RFID users na tiyaking may sapat na load ang kanilang RFID para maiwasan ang pagkaantala sa biyahe. Para sa mga nais magpakabit ng RFID, maaaring bumisita sa mga AutoSweep at EasyTrip installation sites. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV