Cardinal Tagle, pormal nang itinalaga bilang Titular Diocese ng Albano

Cardinal Tagle, pormal nang itinalaga bilang Titular Diocese ng Albano

Pormal nang tinaggap ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng Titular Diocese of Albano sa Italy nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng CBCP News, ginanap ang seremonya sa Albano Cathedral at dinaluhan ito ng maraming Pilipino, pamilya ni Cardinal Tagle, at mga residente ng Pontificio Collegio Filipino (PCF), o kolehiyo ng mga paring Pilipino sa Roma.

Ang Diocese of Albano ay isa sa pitong sinaunang diyosesis na nakapalibot sa Roma. Ayon sa PCF, tradisyon na ang mga pinakamataas na kardinal ay binibigyan ng titulo sa isa sa mga diyosesis na ito, bagama’t nananatili pa rin ang sariling pamunuan ng bawat isa.

Itinalaga si Cardinal Tagle sa posisyong ito sa bisa ng kautusan ni Pope Leo XIV noong Mayo 24, bilang pagkilala sa kanyang katalinuhan, karunungan, at katapatan sa paglilingkod sa Simbahan. Bago siya, pansamantalang naitalaga ang titulo kay Cardinal Robert Francis Prevost, na kalauna’y nahalal bilang Papa.

Si Cardinal Tagle ay unang itinaas sa ranggong Cardinal-Bishop noong 2020 sa ilalim ng yumaong Pope Francis.

Kasabay ng seremonya, ipinagdiwang din ng PCF ang ika-64 anibersaryo ng kanilang pagkakatatag, kung saan ginunita ang kasaysayan ng kolehiyo at ang ugnayan nito sa Diocese of Albano. | via Andres Bonifacio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *