Cardinal Tagle, nagmisa pa para sa Santo Papa

Habang nasa kritikal na kondisyon pa rin si Pope Francis dahil sa double pneumonia, pinangunahan ni Cardinal Luis Tagle ng Pilipinas ang isang panalangin para sa kanya sa St. Peter’s Square sa Vatican noong Martes (oras sa Roma).
Si Tagle, isang mataas na opisyal sa Vatican, ay namuno sa serbisyong dinaluhan ng mga peregrino at matataas na pinuno ng Simbahan. Ang panalangin ay isinasagawa araw-araw ngayong linggo.
Nananalangin si Tagle para sa kalusugan ng Santo Papa at hiniling na maramdaman niya ang pagkakaisa at pagmamalasakit ng komunidad ng Kristiyano.
Ayon sa Vatican, nasa kritikal ngunit matatag na kondisyon pa rin si Pope Francis sa ika-apat na araw, at hindi nagkaroon ng karagdagang problema sa paghinga. – via Allan Ortega | Photo via Tatlerasia.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *