Calumpit Mayor, binatikos matapos ang “e-ayuda” initiative sa kasagsagan ng pagbaha

Inulan ng batikos ang Calumpit, Bulacan Mayor na si Lem Faustino matapos ang “E-ayuda” na inilunsad ng lokal na pamahalaan kahapon, July 23.

Ayon sa Facebook post ng alkalde, kailangang magkomento ng mga residente ng Calumpit na ipinapakita ang kanilang binahang bahay upang magkaroon ng tyansang makakuha ng pinansyal na tulong.

Umani ng negatibong reaksyon mula sa publiko ang ginawa ni Faustino.

Anila, “insensitive” at “exploitative” ang inisyatibo ng alkalde.

“While the intention to provide immediate assistance is appreciated, the mechanics requiring flooded families to post selfies and their GCash numbers publicly on social media is both insensitive and exploitative,” saad ng isang nag-comment sa post ni Faustino.

“I didn’t realize surviving a typhoon is now a game of luck. Last I checked, disaster relief isn’t a contest, it’s a responsibility,” komento rin ng isa pang netizen.

Depensa naman ng alkalde, isa lang ang “e-ayuda” sa kanilang ginagawang pagtulong sa kanyang nasasakupan.

“House-to-house po ang ginawa namin para po makapag-abot ng tulong sa mga kababayan po natin. Ito pong e-ayuda na ito, isa lang po ito sa pamamaraan para po makapag-abot tayo ng tulong sa mga kababayan,” saad ng alkalde.

“Nag-post po tayo from 1:00 p.m. hanggang 5:00 p.m., so lahat po ng nag-post po doon ng pictures nila together with their family na may baha sa loob ng kanilang bahay— ito po ang sinasabi ko palagi na wala kaming pinipili. Lahat po ng nag-post doon from 1:00 p.m. to 5:00 p.m., lahat po ‘yon ay mabibigyan natin ng tulong through G-cash po,” dagdag pa ni Faustino. | via Florence Alfonso | Photo via Mayor Lem Faustino

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *