Inihayag ni Sen. Sherwin Gatchalian na maaari nang gamitin ang calamity fund kasama ng contingency fund.
Ayon kay Gatchalian, ang calamity fund ay nasa P39 bilyon at ang contingency fund ay nasa P13-14 bilyon na maaari nang gamitin ng Pangulo kung kailan niya gustuhin.
Ngunit aniya dapat munang matalakay o mapag-usapan kung nasa punto na ng economic calamity ang sitwasyon sa bansa.
Kaugnay nito, nilinaw naman niyang kailangan pa maghintay ng isang buwan bago ang suspension ng excise tax dahil ang computation umano nito ay average of $80/kada bariles sa isang buwan.
Kabilang sa panukala ng senador na sa halip na eksaktong presyo ang sukatan, ay porsiyento ng pagtaas ang susukatin kapag umabot ito sa kahalati.
Tiniyak naman niyang walang problema sa supply ng pagkain, krudo at iba pang commodities kaya ang patuloy lamang na sinosolusyunan ngayon ng pamahalaan ay ang presyo at kung paano magiging madali para sa mga Pilipino ang sitwasyon. | via Ghazi Sarip, D8TV News
