Nagbabala ang PAGASA na isang tropical depression na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang posibleng maging super typhoon at mag-landfall sa Cagayan Valley o Aurora pagsapit ng Lunes.
Huling namataan 1,835 km silangan ng Hilagang Mindanao. May lakas ng hangin na 55 kph at bugso na 70 kph at kumikilos pa-kanluran, 10 kph.
Biyernes ng gabi o Sabado papasok sa PAR at papangalanang “Uwan”. Gagalaw ito pa-west-northwest bandang Bicol Region, tapos tataas papuntang Northern/Central Luzon.
Lunes ng umaga posibleng mag-landfall sa Cagayan Valley o Aurora.
Sa Biyernes nasa Typhoon category na ito at pagsapit ng sabado posibleng maging super typhoon, pinakamataas na posibilidad na wind signal, Tropical Cyclone Wind Signal No. 5.
Babala ng PAGASA, Linggo (Nov. 9) magsisimula ang paglala ng panahon at Lunes hanggang Martes (Nov. 10–11) posibleng life-threatening na bagyo sa Northern at ilang bahagi ng Central Luzon
Paalala sa publiko palaging i-monitor ang updates ng PAGASA at paghandaang mabuti ang paparating na sama ng panahon. | via Allan Ortega
