Dati nang nagtangkang magpakamatay sa kanilang bahay si yumaong dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral, ayon sa kanyang abogado.
Ani Atty. Mae Divinagracia, sinubukan na umano nitong mag-suicide sa kasagsagan ng mga pagdinig ng Senado kay DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, nang idawit niya si Cabral sa usapin ng mga maanomalyang infrastructure projects ng ahensya.
Matatandaang itinuro ni Bernardo si Cabral na may control umano sa DPWH National Expenditure Program sa ilalim ng pamumuno ng mga dating kalihim na sina Mark Villar at Manuel Bonoan.
Ayon kay Divinagarcia, ang unang suicide attempt na itinuring na tipping point ay nangyari ng ma-dismiss si Cabral matapos ang 40 taong serbisyo sa ahensya.
Ibinunyag din ng abogado na dalawang beses lumabas ng sasakyan si Cabral sa kahabaan ng Kennon Road na parang chini-check ang lalim ng mga bangin.
Sa pangatlong pwestong kaniyang napili sa Kennon Road huling nakitang buhay si Cabral noong December 18, malapit sa isang kontrobersiyal na DPWH rocknetting project sa lugar. | via Ghazi Sarip
